Pasok ang lalawigan ng Albay sa world network of biosphere reserves ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO.
Ang deklarasyon ay ginawa matapos ang ginawang pagpupulong sa Lima, Peru.
Binanggit ng UNESCO ang high conservation value ng Albay na mayroong 182 terrestrial plant species, 12 mangrove species, 40 species ng seaweed o macro-algae, at 10 species ng sea grass.
Matatagpuan din sa Albay ang lima sa pitong species ng marine turtles ng mundo.
Dahil dito, kahilera na ngayon ng Albay ang dalawa pang biosphere reserves sa Pilipinas, ang Puerto Galera at Palawan.
Ang biosphere reserves ay mga lugar para sa pag-aaral sa sustainable development sa pangangalaga ng biodiversity at sustainable use ng mga likas na yaman.
By Meann Tanbio