Pinuna ng National Economic and Development Authority o NEDA ang naantalang 88 proyekto sa Eastern visaYas na pinondohan ng gobyerno at foreign institutions noong huling quarter ng taong 2015.
Base sa report ng Regional Project Monitoring and Evaluation System o RPMES, kabilang sa mga proyektong ito ay pagpapagawa ng mga kalsada, tulay at irrigation system na umaabot sa 20 milyong piso hanggang 200 milyong piso ang pondo.
Karamihan sa mga proyektong ito ay ipinapatupad ng DPWH Regional Office at District Engineering Offices.
Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng delay ay ang kapasidad ng contractor at road right of way acquisition.
By Meann Tanbio