All-systems go na para sa overseas absentee voting na gagawin mula Abril 9 hanggang Mayo 9.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Arthur Lim, umaasa sila na magiging matagumpay at magiging mataas ang voter turn out para dito.
Sinabi din ni DFA Overseas Voting Secretariat Vice Chairman Edgardo Castro na plantsado na at nasanay na ang mga taong mangangasiwa sa eleksyon, liban na lang sa pagpi-print ng resibo.
Kabuuang 129 na vote counting machines ang ide-deploy ng COMELEC sa 30 post ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)