Muling tiniyak ng Commission on Elections at Smartmatic sa mga mamamayan ang maayos at malinis na May 9, 2016 polls.
Ayon kay COMELEC Director James Jimenez, magsasagawa sila ng malawakang education campaign hinggil sa voter’s receipt sa tulong ng iba’t ibang media organizations.
Maglalagay anya sila ng mga advertisement sa telebisyon at radyo upang ipagbigay alam sa publiko lalo sa mga botante ang voting process at issuance ng resibo.
Inihayag din ni Jimenez na pinag-aaralan na ng smartmatic kung paano maiiwasan ang iba’t ibang panganib tulad ng extension ng voting period ng ilang oras.
Makatatanggap din anya ang Board of Election Inspectors ng mga bagong materiales para sa voter’s receipt at proseso ng pag-iimprenta nito.
By: Drew Nacino