Nagsisimula nang bumuhos ang mga bakasyunistang magbabalik maynila matapos ang Semana Santa.
Sa North Luzon Expressway o NLEX, buhos na ang mga motorista sa southbound ng Bocaue exit o iyong mga nanggaling sa Bulacan at Pampanga.
Ganito rin ang sitwasyon sa Dau Exit ng Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX na palabas naman ng NLEX.
Dagsa na rin ang mga motoristang bumabaybay sa northbound lane ng Southluzon Expressway o SLEX para sa mga nagmula sa lalawigan ng Batangas, Laguna at Quezon.
Inaasahan ng pamunuan ng mga nabanggit na expressway na tataas pa ang volume ng mga sasakyan mula 10 hanggang 15 porsyento hanggang sa sumapit ang madaling araw ng Lunes o hanggang abutin na ng umaga.
By: Jaymark Dagala