Hindi natinag ang pangunguna ni Senadora Grace Poe sa panlasa ng mga botante matapos ang ikalawang Pili-Pinas Debates 2016 sa Cebu kamakailan.
Isinagawa ang survey noong Marso 22 o dalawang araw matapos ang isinagawang debate at may margin of error na plus – minus 3 percent sa national percentage.
Habang plus – minus 7 percent naman ang margin of error sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Batay sa isinagawang mobile survey ng Bilang Pilipino ng TV 5 at ng Social Weather Stations o SWS nakakuha ng 35 percent si Poe habang 26 percent naman ang nakuha ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nagsalo naman sa ikatlong puwesto sina Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 18 percent at Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 17 percent.
Gayunman, kahit absent sa debate, nakakuha pa rin ng 2 percent si Senadora Miriam Defensor Santiago habang isang porsyento ang nagsabing undecided o hindi pa sila makapagpasya.
Mula sa kabuuang 1,200 respondents na tinanong sa survey, 806 o 67 porsyento lamang ang tumugon.
By Jaymark Dagala