Naibalik na sa normal ang website ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay matapos ma-hack ng kaninang madaling araw ng grupong Anonymous Philippines.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, nakatakda silang magpulong ngayong araw upang pag-usapan kung ano ang mga nangyari at kung ano ang mga hakbang upang di na muling maulit pa ang pagkaka-hack ng kanilang website.
Una rito, iginigiit ng hacking group na Anonymous Philippines na ipatupad ng COMELEC ang security features ng mga PCOS machines.
By Ralph Obina