Lomobo pa ang bilang ng mga nasawi sa suicide bombing sa Pakistan.
Ayon kay Senior Police Official Haider Ashraf, sumampa na sa 72 ang death toll sa pagsabog sa Gulshan-i-iqbal park sa Lahore City habang ipinagdiriwang ng marami ang Easter Sunday.
Ipinabatid naman ni Muhammad Usman, Top Administration Official sa Lahore na umaabot sa 233 ang nasugatan, subalit sa datos naman ng mga rescue official, mahigit 300 na umano ang naitalang injured.
Hinihinalang paksyon mula sa pakistan taliban ang responsable sa naturang pag-atake.
By: Meann Tanbio