Nakapagtala ang Puerto Rico ng mahigit 100 pang kaso ng zika virus sa nakalipas na linggo.
Sa pinakahuling tala ng Health Ministry, umaabot na sa 350 kaso ng zika virus sa nasabing bansa kung saan 40 rito ay pawang mga buntis.
Dahil dito, humiling ang U.S. Centers for Disease Control and Prevention ng $225-million mula sa kanilang federal funds upang masugpo ang Zika virus sa Puerto Rico.
By: Meann Tanbio