Arestado sa U.S. immigration agents ang mahigit 1,000 katao, kabilang ang ilang Pinoy, dahil sa umano’y attempted murder at witness tampering.
Puntirya ng 5 linggong operasyon ng mga ahente ng U.S. immigration and customs enforcement o ice agents na tinaguriang ‘project shadowfire’ ang mga grupong idinadawit sa drug trafficking, murder at racketeering.
Bagama’t karamihan sa nadakip ay mga Amerikano, halos 300 naman sa mga ito ay mula sa Pilipinas, Mexico, Spain, El Salvador, China, Jamaica, Guatemala, honduras, belize at iba pang mga bansa sa mundo.
Nakasamsam din ang U.S. special agents ng mahigit 100 armas, mahigit 20 kilo na umano’y bawal na gamot, at 70,000 dolyar na cash.
Matatandaang naglunsad din ng katulad na operasyon ang U.S. authorities noong nakaraang taon.
By: Jelbert Perdez