Kasado na ang isang oras na earthquake drill sa Baguio City simula mamayang alas-10:30 ng umaga.
Layon ng Baguio City Shake Drill na ihanda ang mga indibidwal, mga kabahayan at maging mga institusyon sa posibleng 7.2 magnitude earthquake.
Inaasahang makikilahok sa nasabing shake drill ang 128 barangay sa lungsod.
Magsisilbing search and rescue simulations ang SM City Baguio, University of the Cordilleras, Saint Louis University, Baguio Country Club, Philippine Military Academy at Philippine Economic Zone Authority-Baguio Complex.
Itinayo naman ang mga pangunahing evacuation centers sa Session Road at Melvin Jones Football Grounds samantalang itatayo sa harap ng Baguio City Hall ang main command center.
Magugunitang nakaranas ng matinding pagyanig o tinaguriang killer quake ang Baguio City noong 1990.
By Judith Larino