Patuloy ang apela ni United Nations Secretary General Ban Ki Moon sa iba’t ibang bansa na buksan pa rin ang kanilang mga teritoryo sa Syrian refugees.
Kasunod ito nang idinaos na ministerial conference sa Geneva na pinangunahan ng UN Refugee Agency.
Papalo na sa kalahating milyon ang mga refugee sa gitna na rin nang paghihigpit ng maraming bansa pagtanggap sa mga ito.
Tanging ang Sweden at Italy ang nananatiling bukas sa pagtanggap ng refugees na nasa mahigit 100,000 na ang nakapasok sa dalawang bansa noong 2015 lamang.
By Judith Larino