Naniniwala ang karamihan sa mga Filipino na makakamit ang asenso sa pamamagitan ng paghahanap-buhay sa bansa sa halip na mag-trabaho sa ibayong dagat.
Base sa ambisyon natin 2040 Nationwide Survey ng National Economic and Development Authority (NEDA), 88 percent ng mga Pinoy ang naghahangad na manatili at magtrabaho sa bansa kasama ang kanilang pamilya.
Lumabas din sa survey na hangad ng karamihan sa mga Pinoy ang isang middle class at family-centric lifestyle sa halip na magkaroon ng marangyang pamumuhay na malayo naman sa mga kaanak.
Ang naturang survey ay isinagawa noong isang taon sa 10,000 katao sa lahat ng economic class na edad 15 hanggang 50.
Migrante
Kumbinsido ang grupong Migrante sa ginawang survey ng National Economic Development Authority (NEDA) na mayorya ng mga Pinoy ang naniniwalang makakamit ang asenso sa pamamagitan ng pag-hahanap-buhay sa bansa sa halip na mag-trabaho sa ibayong dagat.
Ayon kay Migrante International Chairman Gary Martinez, maraming mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ang nais magbalik sa Pilipinas.
Gayunman, isa anya sa pinakamalaking pangamba ng mga OFW ay kung may daratnan na trabaho sa oras na umuwi.
By Drew Nacino | Ratsada Balita