Tinatayang 2000 trabaho para sa health professionals ang naghihintay sa Kuwait sa mga susunod na araw.
Ito ayon sa PASEI o Philippine Association of Service Exporters Incorporated ay dahil sa mga bagong ospital na itatayo sa Kuwait.
Binigyang diin pa ni PASEI President Elsa Villa na mabibigyan din ng libu-libong trabaho ang mga Pilipinong nasa construction sector dahil sa pagtatayo ng mga naturang ospital.
Una nang ipinabatid ng Department of Labor ang Employment (DOLE) na kakailanganin ng Germany ang halos 200,000 health workers sa susunod na apat na taon para mag-alaga sa kanilang mga matatanda.
By Judith Larino