Nakatakdang magpadala ng mga eksperto ang Central Bank of Bangladesh upang sunduin ang 4.63 million dollars na bahagi ng 81 million dollars na ninakaw sa pamamagitan ng hacking.
Ayon kay Commissioner Emmanuel Dooc ng Insurance Commission, ipinauubaya na ng AMLC o Anti Money Laundering Council sa Central Bank of Bangladesh kung sa paanong paraan nila kukunin ang pera na isinoli ng negosyanteng si Kim Wong.
Samantala, ipinauubaya na rin anya nila sa Department of Justice (DOJ) ang pagtimbang kung makakatulong ang pagsoli ni Wong sa pera sa isinampang kaso laban sa kanya ng AMLC.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay Commissioner Emmanuel Dooc ng Insurance Commission
By Len Aguirre | Ratsada Balita