Tiniyak ng Malacañang na mananagot sa batas ang sinumang responsable sa engkuwentro sa pagitan ng pulisya at ng mga magsasaka.
Ito’y makaraan ang nangyaring gulo kahapon sa isinagawang kilos protesta ng mga magsasaka sa bahagi ng Davao-Cotabato Highway sa Kidapawan City.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, kasalukuyan nang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil dito ang pambansang pulisya.
Batay aniya sa abiso ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento, pumasok na ang pamahalaang panlalawigan sa law enforcement operations sa nasabing lugar.
Magugunitang 40 pulis ang nasugatan habang dalawa sa mga ito ang kritikal makaraang magtamo ng matinding sugat sa ulo sa kasagsagan ng tension.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo: Screengrab from inquirer.net