Bantay sarado ngayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mahigit apat na milyong dolyar na isinauli ng negosyanteng si Kim Wong sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Ayon sa BSP, nakalagak sa isang highly secured vault ang isinauling pera malapit naman sa pinaglalagakan ng mga source code na gagamitin sa darating na halalan.
Magugunitang inilipat na ni Wong sa panganaglaga ng AMLC ang nabanggit na halaga ng salapi na bahagi ng 81 million dollars na ninakaw mula sa Bangladesh at nasangkot sa money laundering activity.
Maliban sa mga nabanggit, nasa pag-iingat din ng Bangko Sentral ang ilang classified na mga dokumento gayundin ang ilan pang mahahalagang gamit kabilang na ang mga mamahaling alahas na koleksyon ni dating unang Ginang Imelda Marcos.
By Ralph Obina
Photo: