Inihahanda na ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang kaso laban sa 7 indibidwal na sangkot sa 81-million dollar money laundering scheme.
Ayon sa source ng pahayagang The Philippine Star, pinagsasama-sama na ngayon ng AMLC ang lahat ng ebidensya laban sa 7 katao, ilan sa mga ito ay una nang humarap sa ginawang imbestigasyon ng senado.
Ayon naman kay Bangladesh Ambassador John Gomes, darating sa Pilipinas ang mga imbestigador ng kanilang criminal investigation department para siyasatin ang pagkawala ng pera ng kanilang gobyerno.
Makikipagtulungan anya ang mga ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang alamin kung paano nakapasok sa Pilipinas ang kanilang pera at kung sino-sino ang sangkot dito.
By Jonathan Andal (Patrol 31)