Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog na tumutupok ngayon sa isang gusali ng University of the East o UE sa Recto Maynila.
Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-9:30 ng magsimula ang sunog.
Itinaas ito sa task force charlie kaninang pasado alas-10:00.
Ibig sabihin nito kailangan nang pumasok ang Deputy Regional Director ng Bureau of Fire Protection bilang ground commander sa nasusunog na gusali.
Dahil dito isinara na sa daloy ng trapiko ang bahagi ng Recto Ave. at ilang mga lansangan sa paligid ng UE Manila campus para bigyang daan ang mga rumerespondeng bumbero.
Agad namang napalabas ang mga estudyante sa loob campus bago pa man lumakas ang apoy.
Kahapon ng madaling araw, nasunog naman ang isang gusali ng University of the Philippines sa Diliman.
By Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo: Screengrab from Rappler/ AJ Bondoc