Walang kinalaman ang naging pagbisita ng Japanese warship at submarine sa territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ito ang nilinaw ng Japanese government makaraang dumaong sa bansa ang kanilang mga barkong pandigma para sa isang goodwill visit.
Ayon kay Capt. Hiroaki Yoshino, pinuno Japanese destroyer na Ariake, layon ng kanilang pagbisita na patatagin ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan sa usaping tanggulan o defense.
Sa panig naman ng Philippine Navy, sinabi ni Commander Lued Lincuna na hangad ng dalawang bansa na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng timog silangang Asya.
By Jaymark Dagala
Photo: Screengrab from inquirer.net