Tinukoy ng Commission on Elections (COMELEC) at Commission on Human Rights (CHR) ang 7 lugar sa bansa na posibleng mapabilang sa areas of concern ngayong eleksyon.
Ito ay kinabibilangan ng ARMM, Masbate, Abra, Laguna, Nueva Ecija, Bulacan at ang San Juan City.
Kasabay ng pagtukoy sa mga nasabing areas of concern, lumagda sina COMELEC Chairman Andres Bautista at CHR Chairman Chito Gascon sa isang memorandum of understanding na siyang susubaybay sa anumang insidente ng karahasan sa halalan.
Sinabi ni Gascon na ang 7 lugar ay ang mga priority area kung saan sa pamamagitan ng kanilang pagtutok ay umaasa silang masasawata o kung hindi man ay mabawasan ang human rights violence.
Para naman kay Bautista, ang mga dating lugar na kasama sa hotspot area ay posibleng hindi na maisama ngayon dahil ang mga kumakandidato rito ay mga unopposed o walang kalaban.
By Meann Tanbio | Allan Francisco (Patrol 25)