Iginiit ng kampo ni dating RCBC Bank Manager Maia Santos-Deguito na wala itong alam sa 81 million US dollar money laundering scandal.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Deguito, walang naniniwala na uubrang planuhin ng kliyente niya sa level nito ang nasabing iskandalo na milyong dolyar ang sangkot na halaga.
Sinunod lamang aniya ni Deguito ang utos ng may-ari ng RCBC na alagaan ang negosyanteng si Kim Wong.
“Hindi niya po alam yung tungkol sa money laundering, hindi niya po alam na ang mga pondong ito ay manggagaling ss Bank of Bangladesh, idadaan sa Federal Reserve at pupunta sa RCBC at ito’y gagamitin at dadalhin sa casino. Ang tanging patisipasyon niya po ay sinabi ni Mr. Lorenzo Tan na alagaan itong si Kim Wong, si Kim Wong ang nagpakilala sa kanya ng 5 tao, nagbukas ng account at that time po ay wala naman pong indikasyon na ang mga taong ito ay money launderers.” Pahayag ni Topacio.
By Judith Larino | Ratsada Balita