Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na mananatili pa rin sa P30 ang flagdown rate sa mga taxi.
Ito’y ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton ay dahil sa hindi pa rin iniaalis ang provisional rollback sa flagdown rate na una nilang ipinatupad.
Paglilinaw din ni Inton, hindi rin nila binabawi ang kanilang pasya na ipako sa P30 ang flagdown rate bagama’t may mga nakahaing apela rito ang grupo ng mga taxi operators at drivers.
Suspendido lamang aniya ang calibration sa mga taxi meters kaya’t obligado pa rin ang mga pasahero na tapyasan ng P10 ang huling patak ng metro sa kanilang pasahe.
By Jaymark Dagala