Mas tumaas ang bilang ng mga pinarusahan ng kamatayan sa buong mundo.
Ayon sa human rights group na Amnesty International, 1634 ang pinatay bilang kaparusahan noong isang taon.
Mahigit 50 porsyento ang itinaas ng bilang na ito kumpara sa datos ng 2014.
Batay sa tala ng Amnesty International, galing sa Iran, Pakistan, at Saudi Arabia ang 89 na porsyento ng kamatayan bilang kaparusahan noong 2015.
Wala pa, anito, ang galing sa China kung saan libu-libo ang pinarurusahan ng kamatayan nang hindi isinasapubliko.
Sa kabilang banda, sinabi ng Amnesty International na binuwag na ng karamihan sa mga bansa ang death penalty.
By Avee Devierte