Isang buwan bago ang halalan, umakyat na sa 6 ang validated election related incident na naitatala ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Superintendent Wilben Mayor, sa 65 insidente na naitala simula noong January 10, 6 ang kumpirmadong election related incident.
Sa bilang na ito, dalawa ang mula sa Region 4-A, dalawa sa Region 10, isa sa Region 3, at isa sa Region 7.
Kabilang sa mga namatay ay ang kandidato sa pagka-konsehal sa Calauan Laguna at taga suporta ng alkalde roon.
Patay din ang barangay chairman ng Mataas na Kahoy ng Batangas at supporter ng isang kandidato sa Bohol.
Kaugnay nito nakapagtala ang PNP ng 16 na hinihinalang election related incident na patuloy na iniimbestigahan at 43 insidente naman ang kumpirmadong walang kinalaman sa eleksyon.
Samantala nananatili pa rin sa 9 ang election watchlist area at 85 private armed group na karamihan ay mula Mindanao at Southern Luzon ang minomonitor ng pulisya.
By Avee Devierte | Jonathan Andal (Patrol 31)