Nilinaw ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon na hindi nila sinabing politically motivated ang nangyari sa marahas na dispersal sa Kidapawan.
Ayon kay Gascon, iniimbestigahan pa lang nila ang insidente at kabilang sa kanilang tinitignan, ang posibilidad na may kahalong pulitika.
Nagkataon lang aniya na kahapon ay naglabas sila ng report, kung saan sinasabing 14 na ang kanilang naitalang election related deaths.
Bahagi ng pahayag ni CHR Chairman Chito Gascon
Samantala, inaantabayanan na ni Gascon ang inisyal na report ng kanilang investigating team hinggil sa marahas na dispersal sa Kidapawan.
Ayon kay Gascon, una na niyang inatasan ang grupo na mailabas ang inisyal na report nitong nakaraang linggo, at posibleng ngayong araw ito isumite sa kanya.
By Katrina Valle | Sapol