Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat Bataan.
Sa talumpati ng Pangulo, ipinagmalaki nito ang reporma na nagawa ng kanyang administrasyon para sa mga beterano ng World War 2.
Kabilang na ang paglilinis sa listahan ng mga kwalipikadong beteranong benepisyaryo.
Sa kanyang 6 na taon sa pamumuno, nakapagtala anya ang gobyerno ng higit 10,000 beterano na libreng nakapagpagamot sa Veterans Medical Center at sa iba pang ospital sa bansa.
Mula anya sa P1,200, itinaas niya sa P1,500 ang daily hospital subsidy ng mga beterano.
Nakatatanggap din anya ngayon, ng P36,000 educational assistance kada taon ang mga direct discendants ng mga beterano.
Binigyang diin din ng Pangulo ang naging aral ng nakalipas na digmaan.
Bahagi ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III
By Jonathan Andal
Photo Credit: govph