Inamin ng North Korea na matagumpay itong nakapag-test ng isang makinang idinisenyo para sa intercontinental ballistic missile.
Ayon sa Korean Central News Agency, masisiguro ng nasabing engine ang kakayahang makapaglunsad ng nuclear strike laban sa Estados Unidos.
Isinagawa ang engine test sa long-range missile launch site ng north korea, malapit sa west coast nito.
Ito ang pinakahuli sa serye ng mga nuclear test at satellite launch na isinagawa ng North Korea.
Samantala, binatikos ng Estados Unidos ang hakbang na ito ng north korea at nanawagang itigil na nito ang ganitong aktibidad dahil makagugulo lamang sa katahimikan sa Asya.
By: Avee Devierte