Nagkaroon lamang ng bahagyang kalituhan sa unang araw nang pagpapatupad ng OAV o overseas absentee voting sa Rome.
Gayunman, ipinabatid sa DWIZ ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) National Chair Tita de Villa na maganda ang naging voters turnout sa unang 3 araw ng OAV sa nasabing teritoryo.
Tiwala aniya ang mga opisyal ng PPCRV sa Rome na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na makikiisa sa OAV hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.
“Kausap ko lang yung isa sa mga coordinators namin doon at sabi naman maayos naman, tinanong ko ang turnout, better itong first 3 days nila, much much better than the last elections, marami raw ang dumalo pero ang gusto nila, ang hinahangad nila na sana ay hindi humina nang tuluy-tuloy up to May 9.” Pahayag ni de Villa.
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas