Napagkasunduan ng Congressional Committee sa Brazil na isalang sa impeachment ang kanilang Pangulong si Dilma Rousseff.
Ito ay kaugnay sa pagmamanipula umano ng administrasyon sa government accounts para itago ang lumolobong utang ng gobyerno ng Brazil.
Nanaig ang 38 boto pabor sa impeachment kontra kay Rousseff laban sa 27 tutol dito.
Dahil dito, susunod na aantabayanan naman ang magiging boto ng buong mababang kapulungan ng Kongreso sa Brazil sa Abril 17-18.
Naghahanda naman na ngayon ang mga police sa posibleng mass protest na ilulunsad ng mga taga-suporta at kritiko ng presidente ng Brazil.
By Ralph Obina
Photo Credit: bbc/getty images