Nakaposisyon na ang mga tropa ng pamahalaan para sa gagawing pagdurog sa Abu Sayyaf Group o ASG.
Ito, ayon kay Military Ground Operations Spokesman Maj. Filemon Tan Jr., kasunod ng pagkakapaslang sa 18 sundalo at pagkakasugat sa maraming iba pa noong Sabado.
Ayon kay Tan, naka-standby na ang AFP Special Forces, rangers at light reaction company na siyang tutugis sa mga nalalabing miyembro ng ASG sa Tipo-Tipo, Basilan.
Giit ni Tan, mayroon pang 60 Abu Sayyaf na pinamumunuan nina Isnilon Hapilon at Furuji Indama.
Una nang napaulat na malubhang nasugatan sa bakbakan si Indama at kalauna’y nasawi pero hindi ito makumpirma ni Tan.
Basilan clash
Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng bangkay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf na narerekober matapos ang bakbakan ng militar at bandidong grupo noong Sabado sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan.
Ayon kay AFP Spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla, may pagkaka-kilanlan na rin ang 24 na bandidong nasawi habang tinutugis na rin ang posibleng kinaroroonan ng ASG Senior Leader na si Furuji Indama na nasa kritikal umanong kondisyon.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Samantala, itinanggi naman ni Padilla ang ulat na walang ibinigay na military honors sa 18 sundalong nasawi sa pakikipag-bakbakan sa ASG.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Jelbert Perdez | Drew Nacino | ChaCha