Pinayagan ng Sandiganbayan 4th Division na makapagpiyansa ang negosyanteng si Janet Lim Napoles at Masbate Governor Rizalina Lanete para sa kaso nilang plunder na may kaugnayan sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa pork barrel scam.
Batay sa desisyon ng Sandiganbayan, hindi ganoon kalakas ang evidence of guilt laban kina Napoles at Lanete kayat napagbigyan ang hiling ng mga ito na makapagpiyansa.
Dahil dito, kinakailangang makapaglagak ng P500,000 ang mga akusadong sina Napoles at Lanete para sa pansamantala nilang kalayaan.
Bagamat maaari nang makapagpiyansa, mananatili pa rin si Napoles sa kulungan dahil sa una na itong nasintensyahan ng reclusion perpetua ng Makati City Regional Trial Court sa kasong illegal detention na isinampa ng pinsan at dating right hand nitong si Benhur Luy, ang pangunahing testigo sa pork barrel scam.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)