Sinugod ng mga magsasaka at kaalyado ng mga ito ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kaso laban sa Kidapawan farmers.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, bukod sa balang ibinigay sa mga nagprotestang magsasaka, hinabla pa sila ng gobyerno.
Sinabi ni Reyes na dismayado sila sa pagbasura ng Kidapawan City Prosecutors Office sa apela nilang ibaba sa P2,000 ang P12,000 itinakdang piyansa para sa kada isa sa mga mga magsaskaang kinasuhan.
Kinondena naman ng KMP o Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang anito’y kawalang hustisya sa mga nagugutom na magsasaka.
Iginigiit ng KMP at BAYAN ang pagpapalaya sa mga magsasaka partikular sa tatlong buntis at mga matatandang magsasaka na nakakulong sa Kidapawan City Jail.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)