Malayo sa hinagap ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang narating niya sa larangan ng boksing.
Ayon kay Pacquiao, ibayong saya ang dulot sa kanya ng kanyang mga naging accomplishments bilang isang boksingero na hindi niya inakalang kanyang mararating.
Winakasan ni Pacquiao ang kanyang career na may record na 58 panalo kung saan 38 rito ang knockout, 6 na talo at 2 tabla.
Dahil dito, sinabi ni Pacquiao na walang pagsidlan ang kanyang tuwa at pasasalamat sa suporta ng kanyang mga kababayan mula pa noong magsimula siya hanggang ngayong siya’y nagretiro na sa boksing.
Bahagi ng pahayag ni Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao
‘Happy to retire’
Tumangging magbigay ng diretsong sagot ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao kung handa syang lumaban uli kay Floyd Mayweather Jr. sakaling pumayag rin itong magbalik sa ring matapos magretiro.
Ayon kay Pacquiao, sa kasalukuyan ay masaya syang nagretiro sa kanyang propesyon bilang boksingero dahil ginawa nya ito para sa kanyang pamilya.
Kaya naman kung sa kasalukuyang panahon anya ang pag-uusapan, wala syang nakikitang posibilidad na magbalik sa ring para sa rematch nila ni Mayweather.
Bahagi ng pahayag ni Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao
Sa kabila nito, sinabi ni Pacquiao na bukas siya sa paglahok sa Olympics kung walang magiging conflict sa kanyang schedule.
Sa Agosto ng taong ito nakatakda ang Olympics sa Rio de Janeiro samantalang tumatakbo naman ngayon si Pacquiao bilang senador.
By Len Aguirre | Raoul Esperas | Jopel Pelenio