Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala pa silang kumpirmasyon na narito na di umano sa Pilipinas ang ISIS o Islamic State.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, nangangailangan pa sila ng matibay na ebidensya na magpapatunay sa presensya ng ISIS sa bansa.
Nagpahayag ng pagasa si Padilla na may makukuha silang ebidensya sa mga nakumpiska nilang kagamitan sa Moroccan national na kasama sa mga napatay sa labanan sa Tipo Tipo Basilan noong April 9 kung saan napatay rin ang 18 sundalo.
Una rito, inako ng ISIS sa isang statement na inilabas ng Reuters ang responsibilidad sa pagkamatay ng mga sundalo at inamin na may mga nalagas rin sa kanilang puwersa sa Basilan.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Investigation
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iimbestigahan nila kung ano talaga ang nangyari sa Tipo Tipo Basilan kung saan nasawi ang 18 sundalo.
Gayunman, ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, pansamantala nilang isinasasantabi ang imbestigasyon upang bigyang daan ang pinaigting pang operasyon laban sa grupong nakalaban ng mga sundalo sa Basilan.
Aminado si Padilla na tila napaghandaan ng mga bandido ang pagdating ng mga sundalo sa kanilang tila training camp.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Sa ngayon aniya ay mas pinagigting pa nila ang operasyon laban sa grupong sinasabing may koneksyon sa ISIS.
Pangunahing misyon aniya ng AFP na mapigilan ang posibleng pagtakas ng mga bandido at mapanagot ang mga ito sa pagkamatay ng mga sundalo.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Len Aguirre | Ratsada Balita