Nanindigan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa deadline na ipinatutupad sa paghahain ng income tax return ngayong araw na ito, ganap na alas -5:00 ng hapon.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, mula pa noong 2011 ay talaga namang hindi na sya nagbibigay ng extension sa itinakdang April 15 deadline.
Sinabi ni Henares na nagsimula silang maglabas ng mga paalala noon pang Enero kayat wala syang makitang rason para palawigin pa ng deadline.
Bahagi ng pahayag ni BIR Commissioner Kim Henares
Lawyers
Tututukan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bayaring buwis ng mga abogado.
Tiniyak ito ni BIR Commissioner Kim Henares kasunod ng inilabas nilang patalastas kaugnay sa ilang abogado sa malalaking syudad na mayroong zero income tax.
Sa tax watch ad ng BIR, ipinakita roon ang pag-aaral na sa kabuuang mahigit sa 1,500 abogado na naghain ng ITR sa Quezon City, Makati, Cebu at Davao noong 2014, 141 rito ang nagdeklara ng zero income tax.
Inamin ni Henares na katulad rin ng mga doktor, mahirap talagang i-monitor ang kita ng mga abogado dahil marami ang hindi naman nag-iisyu ng resibo.
Bahagai ng pahayag ni BIR Commissioner Kim Henares
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas