Tinanggap na ng Commission on Elections (COMELEC) ang alok na donasyon ng Smartmatic-TIM na thermal paper.
Sa botong 6-1, inaprubahan ng poll body ang 1.1 milyong rolyo ng thermal paper na donasyon ng Smartmatic-TIM na gagamitin bilang voting receipts sa May 9 polls.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ligal ang donation at walang nilabag na batas ang mga bidder subalit kailangang sumunod sa regulasyon ng Commission on Audit kaugnay sa donasyon.
Nito lamang unang bahagi ng taon ay sinimulan ng COMELEC ang bidding sa 85 million peso contract para sa supply ng thermal paper.
Ito’y makaraang ipag-utos ng Supreme Court sa poll body na mag-imprenta ng mga resibo para sa May 9 elections.
By Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)