Muling nagpaalala ang Department of Energy o DOE sa publiko na iwasang gumamit ng maraming appliances tuwing katanghaliang tapat.
Ito’y dahil sa mataas ang demand sa kuryente sa nasabing oras kasabay ng maalinsangang panahon dulot ng pagtaas din ng temperature.
Kahapon, muli na namang inilagay sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Mula alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng hapon, umabot sa 201 megawatts ang generation deficiency ng reserbang kuryente ngunit nakarekober din bago magdapit-hapon.
By Jaymark Dagala