Nai-turn over na ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit 330,000 plaka sa Land Transportation Office (LTO) sa kabila nang hindi pagbabayad ng buwis ng supplier sa shipment ng mga ito.
Sa halip, nagkasundo sina Customs Commissioner Bert Lina at LTO Chief Roberto Cabrera na ipatupad na lamang ang intra-government payment of duties and taxes na nakakasakop sa mga naturang license plate na nasa Manila International Container Port noong isang taon pa.
Matapos mai-turn over sa LTO ang mga naturang plaka, sinabi ni Cabrera na mareresolba na ang ilang porsyento ng backlog na umaabot sa 2.5 million.
March 30 nang ibasura ng Customs ang apela ng mga consignee na JKG- Power Plates Development Concepts Incorporated na ideklara ang mga naturang plaka bilang abandoned at ituring nang pag-aari ng gobyerno ang naturang shipment.
By Judith Larino
Photo Credit: mb.com.ph