Muling nag-kampeon ang National Capital Region Athletic Association sa katatapos lamang na 59th Palarong Pambansa na ginanap sa Albay Sports and Tourism Complex sa Legazpi City.
Humakot ang NCR ng 209 na medalya o 104 gold, 57 silver at 48 bronze.
Pangalawa naman ang CALABARZON na sumungkit ng 40 gold, 43 silver at 59 bronze o kabuuang 142 medalya.
Ito na ang ika-12 beses na nag-kampeon ang NCR sa Palarong Pambansa.
Ang Palarong Pambansa ay isang annual multi-sport event ng mga student-athlete mula sa 18 rehiyon ng bansa na inoorganisa at pinangangasiwan ng Department of Education (DepEd).
By Drew Nacino