Problemado ngayon ang Department of Interior and Local Government o DILG kung saan nila ipagsisiksikan ang mga naarestong drug offenders ng PNP Anti- Illegal Drugs Group.
Nabatid na umaabot sa 13,609 na drug offenders ang nahuli sa one-time big-time anti-drug operations ng PNP, habang 23 ang napatay sa ibat- ibang anti-narcotics operations mula Enero hanggang Marso ng taong ito.
Dahil dito, inatasan na ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang liderato ng BJMP at PNP na gumawa ng hakbang upang magkaroon ng expansion ang mga kasalukuyang prison facilities sa harap na rin ng paglobo ng mga naaarestong drug offenders.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)