Humingi na ng saklolo sa United Nations Human Rights Council ang isang human rights group kaugnay ng madugong Kidapawan incident.
Sa liham ng grupong Karapatan, hiniling nito sa UN na imbestigahan ang umano’y kaso ng pagpatay, iligal na pag-aresto at pagkulong at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga nag-protestang magsasaka.
Giit ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay, naniniwala silang nilabag ng security forces at iba pang mga awtoridad ang civil at political rights ng mga magsasaka na ginagarantiyahan ng Saligang Batas.
Ginawa ring reference ng grupo sa kanilang reklamo ang isinumite nilang full report sa National Fact-Finding and Humanitarian Mission o NFHM hinggil sa naturang insidente.
By Jelbert Perdez