Nagbanta naman ang mga transport groups na kanilang igigiit ang pagbabalik ng P7.50 na minimum na pasahe sa mga jeepney.
Ito’y kung hindi anila mapipigilan ng Department of Energy (DOE) na muling tumaas ang presyo ng langis sa lokal na merkado.
Ayon kay Pasang-Masda Pres. Obet Martin, malaki ang pangangailangan ngayon ng mga tsuper ng jeepney lalo’t madalang ang pasahero dahil bakasyon ang mga estudyante.
Sagot naman ng DOE, tanging matitiyak nila na walang pang-aabusong magaganap sa panig ng mga oil companies sa kabila ng deregulated ang presyuhan nito sa bansa.
DOE
Ipinahiwatig naman ng Department of Energy (DOE) na posibleng bumabang muli ang presyo ng langis sa lokal na merkado sa susunod na linggo.
Ito’y ayon kay Energy Secretary Zeny Monsada ay dahil sa bigong magkasunod ang mga oil producing countries na magpatupad ng oil freeze o pagtigil sa produksyon ng langis.
Ani Monsada, nabasura lamang ang kasunduan makaraang igiit ng Saudi Arabia sa Organization of Oil Producing Countries o OPEC na dapat isali ang iran sa kabila ng patuloy na pagtanggi nito hangga’t hindi ini-aalis ang sanction na ipinataw laban sa kanila.
Sa kasalukuyang monitoring, bumaba ng tatlong porsyento ang presyo ng brent crude na nagkakahalaga ng apatnaput isang dolyar kada bariles.
By Jaymark Dagala