Nagbalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa Luzon Grid matapos ang mga naitalang pagnipis nito noong isang linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), nakapagtala ng 1000 megawatts na reserbang kuryente ala-1:00 ng hapon kahapon.
Sa panig naman ng MERALCO, sinabi ng tagapagsalita nitong si Joe Zaldarriaga na umaasa silang mananatili ang ganitong sitwasyon sa kuryente sa loob ng linggong ito.
Gayunman, sinabi ni Zaldarriaga na walang kasiguruhan sa panig ng mga planta ng kuryente kung mananatiling matatag ang kanilang operasyon sa harap na rin ng matinding init ng panahon.
By Jaymark Dagala