(Updated)
Buo ang paniniwala ni Lorna Garcia na biktima ang kanyang mga magulang ng ‘tanim bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos mahulihan kahapon ng kalibre 38 bala ang bagahe ng mag-asawang senior citizen na sina Stevan at Salvacion Cortabista na patungo sana ng California.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ sa anak ng mga Cortabista na si Lorna Garcia, sinabi nitong matapos mahuli ang kanyang mga magulang ay hiningan ang mga ito ng P50,000 bago pa man dalhin sa tanggapan ng PNP Aviation Security Group.
Bahagi ng pahayag ni Lorna Garcia, anak ng mag-asawang Cortabista
Giit ni Garcia, imposibleng magkaroon ng bala sa bagahe ng kanyang mga magulang dahil sa wala namang pag-aaring baril ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Lorna Garcia, anak ng mag-asawang Cortabista
Sa huli, umapela si Garcia sa publiko at media na tutukan ang kaso ng mga inosente niyang magulang na biktima aniya ng tanim bala sa paliparan.
Bahagi ng pahayag ni Lorna Gracia, anak ng mag-asawang Cortabista
Full Interview kay Lorna Garcia, anak ng mag-asawang Cortabista
***
Magugunitang papasakay na sana sa eroplano ng Korean Airlines flight KE-622 ang mag-asawa nang makuha sa kanilang hand carry luggage ang bala.
Mariin namang itinanggi ng mag-asawa na kanila ang nakuhang bala sa bagahe at hinihinalang nabiktima sila ng tanim-bala modus sa paliparan.
CCTV
Hihingi naman ng kopya ng CCTV ang Aviation Security Unit sa pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkakatuklas ng bala sa bagahe ng mag-asawang senior citizen.
Ito’y bilang tugon sa hirit ng mag-asawang Stevan at Salvacion Cortabista na ilabas ang kuha ng CCTV sa hinalang biktima sila ng tanim-bala sa NAIA.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Sr. Supt. Adolfo Samala Jr., Hepe ng Aviation Security Unit-NCR, mayroon naman silang kopya ng video na kuha ng mga tauhan ng Office for Transportation Security o OTS habang binubuksan ang bagahe ng mga naturang pasahero.
Bahagi ng pahayag ni Sr. Supt. Adolfo Samala
By Ralph Obina | Jaymark Dagala | Jelbert Perdez | Ratsada Balita | Raoul Esperas (Patrol 45)