Kinumpirma ng Commission on Elections o COMELEC na halos 96,000 Pinoy na sa ibayong dagat ang bumoto sa overseas absentee voting.
Ito, ayon kay COMELEC Commissioner Arthur Lim, ay batay sa kanilang huling tala simula nang umarangkada ang overseas absentee voting noong Abril 9.
Batay naman sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs o DFA, ang Hong Kong ang nakapagtala ng may pinakamaraming Pinoy overseas voters na pumalo na sa mahigit 14,000.
Nalagpasan ng mga Pinoy sa Hong Kong ang mga botante sa Singapore na umabot lamang sa mahigit 11,000.
Samantala, lumalabas na aabot sa halos 44,000 ang mga bumotong Pinoy sa Middle East at Africa.
By Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)