Malaki ang epekto ng ad placements at ng mga lumalabas sa isyu sa resulta ng survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.
Ipinaliwanag ni Prof. Ronald Holmes, Presidente ng Pulse Asia, na posibleng tumaas ang rating ng ilang kandidato dahil sa pagdalas ng pagpapalabas ng kanilang mga commercial sa telebisyon at gayundin ang dalas ng kanilang paglilibot at pangangampanya.
Binigyang diin ni Holmes na para masabi na tunay na nagbago ang ratings ng kandidato, kailangang higit sa 3 puntos ang iginalaw nito.
Bahagi ng pahayag ni Pulse Asia President Prof. Ronald Holmes
By Katrina Valle | Ratsada Balita