Sa Poland, nakapagsilang pa ng sanggol ang isang babaeng brain dead dahil sa sakit nitong kanser sa utak.
Ayon sa ulat, ipinagbubuntis ng 41 taong gulang na ginang ang anak nito nang isugod ito sa ospital at tuluyang ma-brain dead dahil sa komplikasyon sa sakit nito.
Ang pamilya ng pasyente ay nais na maisalba ang buhay kahit ng sanggol man lamang kaya sinikap nilang patagalin sa sinapupunan ng ina ang sanggol upang lumaki pa kahit papaano.
Limampu’t limang araw din ang lumipas bago maisilang ang sanggol sa pamamagitan ng cesarean section.
Ang sanggol ay may bigat lamang na 2.2 pounds nang ipanganak ngunit wala namang komplikasyon.
Matapos ang panganganak ng brain dead na ginang ay nagdesisyon na ang pamilya nitong hugutin na ang life support na tanging bumubuhay dito.
By Ralph Obina