Ni-renew ng gobyerno ng Estados Unidos ang travel warning nito sa Pilipinas bunsod ng patuloy na banta ng terorismo, serye ng pagdukot sa mga dayuhan at insurgent activities partikular sa bahagi ng Mindanao.
Kaugnay nito pinapayuhan ng Amerika ang kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang pagbiyahe sa bahagi ng Sulu.
Ayon sa US State Department, patuloy kasing tinatarget ng mga terorista’t rebelde sa kanilang kidnapping activities ang mga dayuhan.
Simula Enero pa lamang ng taong ito, aabot na sa 15 magkakahiwalay na kaso ng kidnapping ang naitatala sa bahagi ng Mindanao.
By Ralph Obina