Pitong (7) miyembro ng Philippine Marines ang sugatan matapos makasagupa ng Abu Sayyaf sa Sulu, kahapon.
Tumagal ng isang oras ang bakbakan sa kasagsagan ng search and rescue operation para sa mga kidnap victim sa bayan ng Patikul.
Ayon kay Maj. Filemon Tan Junior, Spokesman ng Western Mindanao Command, naka-engkwentro ng Special Operations Command 10 at 62nd Marine Company ang grupong pinangungunahan ni Hairullah Asbang sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tugas.
Nagkaroon din ng casualties sa panig ng bandidong grupo subalit hindi pa nila ito maberipika makaraang umatras patungong kagubatan ang ASG.
Gayunman, wala pang impormasyon kung hawak ng grupo ni Asbang ang mga bihag.
By Ralph Obina